top of page
Writer's pictureOlet DrReyes

Remembering Nanay Charing

An open letter to Nanay and my takeaway from the #TatakYumang Family Reunion

Today's conversation with my Nanay in my head (March 14, 2024):


A few days after the Yumang family reunion, we are now commemorating your 3rd death anniversary. Grabe, ambilis ng panahon... 3 years ka na palang wala. Ambilis ng dating kasi para sa akin laging "parang kahapon lang, parang kailan lang" na kasama pa kita.


Siguro happy ka diyan kasi nakita mo kame na nag-reunion last March 9 and 10. Alam kong matagal mo nang gusto yun kasi lagi ka namang pasimuno ng mga get together niyong magkakapatid. Madami nga akong nakalap na ebidensya eh!




Kaya alam ko na nung nawala ka, sinundan pa ni Ate, sinundan pa ni Kuya... parang kelangan ko mag-step up para buhayin muli yung tradisyon na ginawa mo nuon para sa pamilya niyo (Yumang relatives) at pamilya natin. Siguro po for the longest time, ang humahadlang sa akin ay yung feeling of insecurity na I could not be like you na financier ng mga okasyon ng pamilya. I know (or maybe I just thought) that people are expecting me (or us from the side of the family) na maging kasing galante mo. Kaya lagi akong nagdadalawang isip. Pero you know what po pala, all I need was to make that "request" or "call" may mga sasagot po pala at handang tumulong para mangyari yung pagsasama-sama ng pamilya. Alam mo na po, my pride always gets the better of me. Pero unti-unti ko na nga yun shine-shed, marunong na po akong tumanggap ng tulong ngayon, actually hindi na nga ako nahihiyang humingi ng tulong.


Now I realize, may mga unnecessary hardships akong pinagdaanan dahel sa pride ko. When I look back nga po ngayon, I understand that you probably have been "makulit" sa pagpapa-uwi sa akin sa Manila because you felt all my feelings (mother's instinct talaga). Kung baket lagi kang nag-ooffer ng something kahet hindi ako humihingi, siguro gusto mo iparamdam na ramdam mo, na alam mo, na lagi ka lang nakasuporta.


Ay alam mo po ba? Sobrang nakaka-proud maging anak ni Charing nung Yumang reunion. Kasi may mga additional pa akong nalaman at na-confirm sa kabutihan mo. Di ba lagi mong sinasabi sa aming magkakapatid, "maging magalang, mapagbigay at mabuti kayo sa pamilya ninyo lalo na sa magulang" dahel naniniwala ka na kaya po umangat ang buhay ng pamilya naten ay dahel na nga din naging mabuting anak at kapatid ka sa pamilya mo. Nung nagtanong si Kuya Alvin tungkol sa mga tito at tita na tumatak sa kanila, proud ako dahel may mga puso kang na-touched just by being you. Nung sinabi ni Ate Eva na ikaw yung "sumbungan" nila at nagiging mediator kapag may "nang-aaway" sa kanila, you talk to the other party and explain. Nung sinabi ni Kuya Obet na "sa lahat ng Yumang, ikaw yung mabait kasi kahet anong loko o sama ng ginawa sa iyo ng kapatid o pamangkin, ikaw pa rin ang isa sa mga unang tumutulong" at yung "kahet na yumaman na, makakalapit pa din ang lahat lalo na pag-Pasko."


Hindi ko nga po alam kung matutuwa ako o mag-aalala para sa sarili ko na ma-realize na "ah, so sayo ko pala namana yung ganun." Pero ayun lang, dahel sinama na ni Lord yung forever kakampi ko, siguro po may way lang din si God to protect me (those who will understand, knows).


Nay, alam ko (o assuming ako) na you probably know my decisions regarding sa buhay simula nung nawala ka at pinagdadaanan ko itong parang self-awareness journey na ito. Alam ko na alam mo na mahal at nirerespeto ko ang hanapbuhay sa Trabajo Market na iniwan mo sa amin, pero you probably also know na I have decided na hindi gawing buong buhay yung tindahan. I am thankful and will forever appreciate what you have sacrificed para po maging maalwan ang pamilya, pero I also choose to learn from the life that you have lived. Yung tuwing sinasabi mo nuon na "o paggaling ko sama ako ulit sa Zamboanga", "pag mgaling na magaling na ako, punta tayo ng Hongkong" tapos meron pang "punta tayo kina Ate Nene at sa anak ni Ester sa America", pero wala nang natupad because na-compromised na yung health mo and the only places we can go were roadtrip sa Quezon City Memorial Circle, sa Pasig at Tagaytay. Yung ang dami mong gustong gawin at puntahan na sana ay nagawa mo nuong malakas ka pa at may kakayanan. Talagang ang pumasok sa isip ko dahel sa nangyari sa inyo ni Ate na madaming gustong gawin at puntahan pero hindi nagawa dahel binuhos niyo na ang lahat ng oras ninyo sa palengke, inisip ko nang baguhin yun. Tipong "ah, hindi na ako maghihintay na magkasakit o maging kritikal para maisipang gawin ang mga bagay na gusto kong gawin at puntahan ang mga lugar na gusto kong puntahan". Habang kaya ko pang maglakad on my own ng hindi ina-alalayan, ng kaya ko pang mabasa ang directions ng mga lugar, na kaya ko pang makipagsabayan sa bata at matanda, mabubuhay ako ng buhay na walang masyadong magiging regrets. Wala naman akong masyado nang hinahangad, kung may isasagana pa ang buhay ko at ng ating pamilya, maraming maraming salamat, God! pero kung anong meron sa ngayon ay biyaya na para aming naiwan. Salamat at mayroon kameng bahay na tinitirhan, salamat at may tindahan na tumutulong sa aming pangangailangan, salamat at nakaka-kain kame ng masarap, salamat at may mga anak, pamangkin, kamag-anak at kaibigan din akong tumutulong sa akin.


Kaya Nay, sana kung nakaka-chika mo man si God at ang mga spirit guides ko diyan, pakisabi po na salamat at patuloy lang kameng proteksyonan at gabayan dito sa aming earthly lives.


PS: Aminin mo, happy ka na mapalapit ako sa Yumang family di ba? I miss you so much and know that I will forever love you!





Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page